Mga matitigas ang ulo at pasaway, pinapipili ng Antipolo City Government kung mananatili sa bahay o papasok sa crematorium

Pinapipili ngayon ng Antipolo City Government ang mga residente na pasaway at matitigas ang ulo na lumalabas pa rin sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at may kalayaan silang pumili kung mananatili sila sa bahay o papasok sa creamation dahil sa posibleng mahahawaan ang mga pasaway ng COVID-19.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, pinapapipili ng alkalde ang kanyang mga nasasakupan o mga residente ng Antipolo kung papasok sila sa bahay o ipapasok sila ang mga matitigas ang ulo at pasaway sa crematorium.

Paliwanag ng alcalde, marami pa rin ang mga matitigas ang ulo sa kanilang lungsod sa kabila ng ginagawa ng mga doctors, health professionals at frontliners ang lahat ng paraan para hindi mawala ang mga mahal natin sa buhay dahil sa COVID-19 sa kabila ng hindi naman nila hawak ang buhay nito.


Dagdag pa ng alkalde na dahil sa protocol ng Department of Health (DOH) na kailangan i-cremate ang yumaong may taglay na nakahahawang sakit na COVID-19 sa loob ng 12 oras, habang ang nasawing PUI naman ay kinakailangan i-cremate sa loob ng 24 oras.

Giit ni Mayor Ynares na batid umano ng lahat na hindi ganun kadali humanap ng pang bayad sa crematory kahit pa sagot umano ng PhilHealth ang hospital bills at may ibibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na karagdagang Php 25,000 dahil sa dami ng gastusin ng isang namatayan kaya’t sasagutin na ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo sa pamamagitan ng kanilang CSWD ang kanilang gastusin sa pagpapa-cremate.

Facebook Comments