Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may-ari ng crematory services na huwag magtaas ng presyo ng kanilang serbisyo.
Sa public address kagabi ng Pangulo, sinabi nitong dapat panatilihin ng mga may-ari ng crematorium ang presyo ng kanilang serbisyo bago pa man mag umpisa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Pangulo, kumikita naman ang mga ito kung kaya’t sa ganitong sitwasyon ay dapat silang magbigay ng konsiderasyon
Pabiro pang sabi ng Pangulo na kapag mahal ang singil ng mga ito ay iiwan na lamang ang bangkay ng COVID-19 patient sa kanilang crematorium.
Alinsunod sa umiiral na protocol for handling deceased COVID-19 patients kinakailangang mai-cremate agad ang mga labi sa loob ng 24 oras magmula ng ito ay mamatay.
Nabatid na ilang Local Government Units (LGUs) na rin ang may alok ng libreng cremation ng mga residente nilang namatay dahil sa COVID-19.