Mga May-ari ng Gasolinahan sa Cauayan City, Isabela, Pupulungin ng PNP Cauayan!

*Cauayan City, Isabela-* Nkatakdang magpulong ngayong lingo ang kasapi ng PNP Cauayan City at mga may-ari ng gasolinahan kaugnay sa mga naganap na panghoholdap ng mga riding-in-tandem dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Nelson Vallejo, ang hepe ng PNP Cauayan City na pupulungin umano niya ang lahat ng mga may-ari ng gasolinahan dito sa Lungsod upang mabigyan ng kaalaman at makaiwas sa mga panghoholdap.

Aniya, isa umano sa kanilang pag-uusapan ay ang tamanag paglalagay at magandang kalida ng mga ilalagay na CCTV Camera sa kanilang gasolinahan.


Ayon pa kay Pol. Sup. Vallejo, pangalawang beses na umano ang naganap na holdap sa mga gasoline station kung saan madalas na target ng mga kawatan ang mga pwestong malayo sa Poblacion area kaya’t ito rin umano ang kanilang pinag-aaralan ngayon upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Matatandaan na hinold-up nanaman kahapon, Agosto 5, 2018 ng riding-in-tandem ang Royal Class Gasoline Station sa Luna, Isabela at natangay ng mga suspek ang sa mahigit walong libong piso.

Facebook Comments