CAUAYAN CITY- Mahigpit na binabalaan ang mga may alaga ng mga kalabaw sa lungsod ng Cauayan kaugnay sa mga dumi ng mga ito sa mga pampublikong lansangan.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Orlando Sarmiento, sa bisa ng ordinansa, mahigpit na pinapaalalahanan ang mga may-ari na maging responsable.
Layunin ng kautusan na mapanatili ang kalinisan ng kanilang lugar lalo na sa kanilang mga lansangan.
Aniya, matagal ng naipatupad ang ordinansang ito sa kanilang barangay ngunit mas pinaigting ito ngayon upang sumunod ang mga residente sa naturang patakaran.
Sa kabutihang palad wala namang naitalang residente na lumabag sa ordinansang ito ngunit kung mayroon man ay agad naman nitong nililinisan ang duming iniwan ng kanyang alagang kalabaw.