Dahil sa layuning maipaalala sa mga tindera ng mga pagkain ang ukol sa malinis at ligtas na mga ibinebentang mga pagkain, isinagawa ng Alaminos City Health Office ang isang pagsasanay sa mga tindera kamakailan.
Ang naturang aktibidad ay upang maipaalala at madagdagan pa ang kaalaman ng sinumang nagbebenta at naghahanda ng pagkain para sa mga konsyumer ang ukol sa Basic Food Safety.
Dito itinuturo ng CHO sa pangunguna ni Dr. Ma. Victoria Cambas ang oryentasyon ukol sa BFS kaugnay sa wasto, malinis at ligtas na paggawa ng mga produktong inilalako ng mga.
Ang oryentasyong ito ay upang mas maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit o food poison na maaaring makuha sa mga hindi nalinisan at hindi dumaan sa wastong proseso ng paghahanda ng pagkain maging ang mga inumin.
Bukos sa oryentasyong ito, tinalakay din sa nasabing aktibidad ang ukol sa Sanitary Permit ng isang pwesto na dapat mayroong ang dokumento ito para masiguro na talagang sumusunod ito sa food safety.
Sa ngayon, paalala ng mga awtoridad na huwag basta basta bibili ng mga pagkaing nakikita lang sa bangketa at tiyaking maigi na dumaan ang mga ito sa tamang proseso.
Paalala din sa mga nagbebenta na sana ay masunod ang dapat gawin sa paghahanda at paglilinis ng mga pagkaing inilalako upang hindi maka-perwisyo ng iba. |ifmnews
Facebook Comments