Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na maaaring pumili ang vehicle owner’s kung sa Private Emission Testing Center o sa Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) na gusto nilang pasuri ang mga tambutso ng kanilang sasakyan bago magparehistro sa LTO office.
Ang paglilinaw ay ginawa ni LTO Chief Edgardo Galvante ngayong patuloy na suspendido ang mandatory inspection ng PMVICs na unang inutos ni Transportation Secretary Art Tugade.
Habang suspendido ang PMVICs ay maaari naman silang mag -operate kayat may option ang mga motor vehicle owner’s kung saan nila ipapasuri ang kanilang sasakyan para sa road worthiness at compliance sa Clean Air Act.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Galvante bilang tugon sa pahayag ni Senador Grace Poe na muling ipinatupad ang mandatory motor vehicle inspections ng PMVICs kahit na may standing suspension order ang DOTr hinggil dito.
Nilinaw rin ni Galvante na baka ma-misinterpret ng mga motorista ang bagong Information Technology (IT) system ng LTO na naka- link sa PMVICs sa mga tanggapan ng LTO dahil ito lamang ay bahagi ng pag-optimize ng ahensiya sa Motor Vehicle Inspection and Registration System (MVIRS) para sa mandatory vehicle inspections.
Sa isang araw, may average na 35,000 vehicle registration renewals ang LTO sa buong bansa.