Mahigit dalawaang daang mga may kapansanan sa bayan ng Buldon ang pinagkalooban ng tulong ng Local Government Unit ng Buldon.
Araw ng martes ng isinagawa ang unang relief distribution sa gymnasium ng Buldon sa Brgy. Calaan habang nasundan ito kahapon sa Brgy. Dinganen.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga PWD na nakatanggap ng tulong mula sa LGU, kabilang sa naging emosyonal na tumanggap ng tulong ay si Gng. Almera Bautista, residente ng Lower Dinganen na putol ang kaliwang paa kasama pa ang kanyang 26 anyos na anak na may special needs.
Luhaang nagpapasalamat ang mga ito sa inisyatiba ni Mayor Abolais Manalao , dahil sa panahon aniya ng krisis ay hindi sila nakalimutan. Kapwa nag-uwi ng tig 10 kilong bigas ang mag-ina. Sinasabing nauna na rin silang nakatanggap ng tulong sa LGU sa isinagawang house to house relief distribution.
Bukod sa na natanggap na bigas, mas lubos na pinasalamatan ng mga PWD ang pagmamahal na ipinapadama ni Mayor Manalao ngayong panahon na karamihan sa kanila ay nagsasakripisyo dahil sa perwisyong dulot ng COVID 19.
Mariin namang inihayag ni Mayor Manalao, na lahat ng sektor sa BULDON ay mahalaga sa kanya at nararapat lamang talaga na bigyang pansin lalo na ngayong panahon na mas higit na nangangailangan ng atensyon.