Maaaring hindi muna bayaran ng mga borrower o ng ilang indibidwal ang perang kanilang inutang sa mga bangko sa susunod na dalawang buwan.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang pagpapatupad ng grace period sa mga loan borrower.
Sa post ni Diokno sa kaniyang Twitter account, inatasan niya ang mga bangko at iba pang financial institutions na mag-implement ng 60-day grace period sa paniningil ng mga utang o loan.
Ang nasabing utos ni Diokno ay kasunod nang pagkakapasa ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Dagdag pa ni Diokno na sa loob ng naturang petsa, hindi sisingilin o papatawan ng karagdagang interes at iba pang charges kahit na naantala ang pagbabayad ng mga borrower.
Facebook Comments