Nagbigay ng paalala ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa mga naglalako o mga meat, fish at vegetable vendors sa talipapa ukol sa ibat ibang violation na kanilang sinusuway habang nagbebenta.
Ang iba raw kasing vendors na nagbebenta ay sinasakop na ang mga daanan na siyang nakakasagabal sa maayos na daloy ng sasakyan at mga mamimiling pumupunta.
Ayon sa pagtalakay na naganap sa public hearing ng Sangguniang bayan ay mayroon silang dalawang proposed na ordinansa kung saan nakapaloob ang tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng daanan, sidewalks at ilang pampublikong lugar na pagbentahan lalo na kung ito ay walang permiso ng lokal na pamahalaan at maaaring patawan ng karampatang parusa sino mang lalabag.
Kaya naman, ang mga naturang vendors na inanyayahan sa naturang public hearing ay hinikayat na kumuha na lamang ng puwesto sa loob ng pampublikong pamilihan at magcomply naman sa mga kakailanganin dokumento gaya na lamang ng business at sanitary permit.|ifmnews
Facebook Comments