Mga media group, dismayado sa mabagal na pagresolba ng QCPD sa kaso ng pinatay na dating editor ng Remate

Dismayado ang ilang media groups sa mabagal na paglalabas ng update ng Public Information Office (PIO) ng Quezon City Police Department (QCPD) sa kaso ng napatay na ex- editor ng Remate at malubhang pagkasugat ng kasama nito matapos holdapin kahapon sa Quezon City.

Binabaha na ng tanong ang Viber ng QCPD media group, pero tikom ang bibig ng QCPD PIO.

Una nang inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang QCPD na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa naturang insidente.


Si Gwenn Salamida at kasama nitong si Oliver Perona ay pinasok ng armadong holdaper sa kaniyang pag-aaring salon sa Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson, QC kahapon.

Sinasabing nanlaban ang mga biktima kaya’t binaril ang mga ito ng suspek bago mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo, na hindi naplakahan.

Facebook Comments