Ipinaliwanag ng mga medical experts ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga matatanda sa panahon ng pandemya.
Sinabi ni Dr. Regina Barba, isang infectious disease expert, mas higit kailangan ng mga matatanda ang dagdag na lakas para labanan ang anumang sakit at impeksyon na maaaring makapagpahina sa immune system.
Ipinapayo ni Dr. Barba, ang pagpapabakuna para labanan ang pulmonya, tetanus, measles o tigdas, diphtheria, sipon at pag-ubo na kadalasang nauuwi sa infections.
Dapat na siguruhin ng mga matatanda ang matatag na joint system para hindi mauwi sa mga rayuma at osteoporosis.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina, calcium, regular na ehersisyo at pagpapabakuna ay may malaking maitutulong para mapanatili ang malakas, malusog at magandang kalusugan.