Mga medical frontliner ng San Juan City, may dagdag na benepisyo mula sa lokal na pamahalaan

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan na dadagdagan nila ang benepisyo ng mga medical frontliner nito.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang mga medical worker mula sa San Juan Medical Center, City Health Office, Barangay Health Center at Health Station ay makatatanggap ng additional ₱5,000.

Habang ang non-medical frontliners gaya ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), City Hall at Barangay ay makakatanggap naman ng tig-₱3,000.


Pahayag ni Zamora, ito ay bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na ang mga nagtatrabaho sa San Juan Medical Center ay nakakatanggap na ng 14-month pay, ₱2,000 kada buwan para sa personal economic relief allowance, ₱3,750 para naman sa substantial allowance at annual productivity enhancement incentive, ₱6,000 para sa clothing allowance, at ̈́₱500 per day para naman sa hazard pay.

Samantala, dahil pagpatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), gagamitin ang San Juan Elementary School bilang pansamantalang tirahan ng mga medical staff ng San Juan Medical Center.

Ipatutupad naman ang skeletal work sa City Hall ng San Juan habang umiiral ang MECQ na Metro Manila.

Facebook Comments