Mga medical frontliner, pinag-aaralan pa kung bibigyan ng 3rd dose o booster shot

Wala pang inisyatibo sa kasalukuyan kung bibigyan ng booster shot ang mga medical frontliners sa bansa na nakakumpleto na ng kanilang Sinovac COVID-19 vaccines.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng payo ng mga eksperto sa pamahalaan ng Thailand na bigyang ng mRNA vaccine, bilang booster shot, ang kanilang medical workers na naturukan ng Sinovac vaccines, makaraang magkaroon ng COVID-19 ang 618 medical frontliners nito.

Ayon kay Secretary Roque, tulad ng sinabi ni Dr. Edsel Salvana, gumagana ang lahat ng COVID-19 vaccines.


Sa kabuuang bilang na 677, 348 Thai medical frontliners na fully vaccinated ng Sinovac, 618 lamang dito ang tinamaan parin ng COVID-19.

Kaugnay nito, sinangayunan rin ng kalihim ang panawagan ni Dr. Salvana na maging maingat sa paguulat o paglalgay ng headlines sa mga pahayagan, dahil makakaapekto aniya ito sa vaccine confidence.

Facebook Comments