Mga medical frontliners ng Makati, nakatanggap ng wellness kits

Binigyan ng wellness kit ang 2,536 medical frontliners ng lungsod ng Makati mula sa lokal na pamahalaan nito.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ito ay isang paraan upang maipadama ng lungsod ang pagpupugay at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at kontribusyon ng medical frontliners sa epektibong pagtugon nito sa mga hamon ng pandemya.

Aniya, laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.


Ang mga frontliners aniya ay mula sa Incident Command Post (ICP), Makati Health Department (MHD), at Ospital ng Makati (OSMAK).

Sinabi ng alkalde na mula pang nagsimula ang lockdown sa Metro Manila noong Marso, tiniyak na ng pamahalaang lungsod na matugunan ang mga pangangailangan ng mga medical o health workers ng Makati City.

Facebook Comments