Mga medical schools sa NCR, walang naitalang COVID-19 infection magmula nang magpatupad ng limited face-to-face classes

Walang naitalang COVID-19 infection ang mga medical schools sa Metro Manila magmula nang magpatupad ito ng limited face-to-face classes.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, bakunado na kasi ang mga professors na napabilang sa mga medical frontliners.

Maliban dito, tuloy-tuloy rin ang COVID-19 testing ng mga medical students sa National Capital Region (NCR) partikular ang UP College of Medicine na mayroon nang limited face-to-face classes.


Maging ang Our Lady of Fatima University ay nanatiling zero COVID-19 magmula nang magkaroon ng infection sa kanilang face-to-face classes.

Mula sa 73 universities na mayroong limited face-to-face classes para sa mga medical students, lahat ay nakapagtala ng zero COVID-19 cases.

Facebook Comments