Nakahanda na ang mga medical team ng Quezon City Health Department na ikakalat sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, July 22.
Sinabi ni Dr. Tina Marie Sanchez-Lucilla ng QC Health Department na layon nito na umalalay sa mga mangangailangan ng kaukulang medical attention para sa mga sasama sa mga rally.
Ang mga medical team ay magmumula sa mga health staff ng QC run hospitals tulad ng Maclang Hospital, Novaliches District Hospital, QC Hospital bukod sa East Avenue Medical.
Payo ng QC Health office sa mga sasama sa mga rally sa panahon ng SONA, ugaliing hydrated upang maiwasan ang pagkahilo sa panahon ng kanilang aktibidad.
May mga iba pang government agencies na tutulong sa Quezon City Police District (QCPD) at QC-LGU upang mapanatili ang kaayusan at katamihikan sa panahon ng SONA ni PBBM.
Nilinaw ng QCPD na tanging ang mga nakakuha ng permit to rally mula sa QC government ang maaaring makapagsagawa ng sariling aktibidad sa panahon ng SONA.