Bawal pa ring lumabas ng bahay ang mga menor de edad.
Ito ang nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang maglabasan ang mga bata mula nang ibaba sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).
Sabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, maaari lamang lumabas ng kanilang tahanan ang mga kabataang edad 18-anyos pababa para sa essential services at outdoor exercises.
Ibig sabihin, bawal pa rin sila sa mga mall, parke at iba pang kahalintulad na pasyalan.
Katwiran ni Abalos, nananatiling vulnerable sa COVID-19 ang mga bata dahil hindi pa sila nababakunahan.
Samantala, nagkasundo naman ang mga alkalde na payagan ang interzonal at intrazonal ng mga menor de edad basta’t kasama ang kanilang magulang o adult guardian.
Facebook Comments