Mga menor de edad, bawal pang gumala

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nananatiling ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng menor de edad at iba pang kabilang sa vulnerable sector.

Ayon kay Roque, ang general rule ay dahil hindi pa bakunado ang karamihan sa mga bata ay bawal pa talaga silang lumabas o magpagala-gala.

Kasunod nito, sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na pinapayagan lamang ang paglabas ng mga bata at iba pang vulnerable sector kapag bibili ng essential goods at services, kapag papasok sa trabaho at kung mag-eehersisyo.


Sa intrazonal at interzonal travel naman, maaari ito basta’t essential at kinakailangang may kasamang magulang o guardian regardless kung ito ay bakunado o hindi.

Paliwanag pa ni Abalos, pwede mag-mall ang bata kung ang clinic nito ay nasa loob pero maliban doon ay hindi talaga sila papayagang pumasok sa mga mall.

Facebook Comments