Naghanda ng isang estratehiya ang pamunuan ng Parañaque City government para mahimok ang mga kabataan sa kanilang lungsod na magpabakuna.
Bibigyan ang mga kabataang menor de edad ng chocolates pagkatapos na mabakunahan na may edad na 12 hanggang 17 anyos na magpabakuna.
Ayon kay Parañaque City Health Officer Chief Dra. Olga Vertusio, target nilang bakunahan ang 67,000 na mga menor de edad bago matapos ang buwan na ito.
Paliwanag ni Dra. Vertusio, mahalaga na mabakunahan ang mga kabataan upang maging ligtas sa pagsapit ng Pasko .
Umaasa naman si Dra. Vertusio na makukuha nila ang target na mababakunahan ang 67,000 mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 anyos bago magtapos ang buwan ng Nobyembre upang salubungin ng mga kabataan ang ligtas na Kapaskuhan.
Tiniyak naman ni Dra. Vertusio ang sapat na suplay ng bakuna sa lungsod.