Nagpaalala si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa publiko lalo na sa mga bata na manatiling nasa loob ng kanilang bahay sa harap na rin ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.
Pero paglilinaw ni Nograles na pwedeng lumabas ang mga bata kung ito ay essential travel tulad ng pagpunta sa ospital.
Kung ang essential travel ay ang pagpunta sa ibang probinsya, dapat alam ng mga magulang ang health at safety protocols ng pupuntahang lokal na pamahalaan.
Pinayuhan din ni Nograles ang mga bumibiyahe na iwasan ang stopovers sa essential road trip para mabawasan ang tiyansang madapuan ng COVID-19 infection.
Facebook Comments