Ipinatupad sa Urbiztondo ang ‘No to Minors Driving Motor Vehicle Policy’ alinsunod sa RA 4136 o ang Land Transportation Code of the Philippines.
Sa ilalim nito, bawal magmaneho ng anumang motor vehicles ang mga menor de edad sa kakalsadahang sakop ng bayan.
Maaaring magmula ng P500 ang lalabag sa 1st offense, P1,000 sa 2nd offense at P2,500 kabilang ang impoundment ng sasakyan at awtomatikong pagpapawalang bisa ng operator’s permit.
Kinatigan ng ilang residente ang polisiya at iminungkahi na simulan sa mga barangay roads at paaralan dahil dito mabilis na magpatakbo ang mga kabataan na kadalasan nagmamaneho tuwing papasok sa paaralan.
Bukod dito, ipinagbabawal din ang maiingay na tambutso o modified muffler sa mga sasakyan.
Kaugnay nito, panawagan ng pulisya ang kooperasyon ng mga magulang at guardian sa pagbabawal sa kanilang kaanak upang mapanatili ang kanilang kaligtasan maiwasan ang kapabayaan sa responsibilidad na nakasaad sa Presidential Decree 603 o Child and Youth Welfare Code. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









