Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na protektado ng freedom of speech ang anumang mensaheng politikal sa mga community pantry.
Ito ay matapos ang background checking sa mga organizer ng pantry na isinasangkot sa mga komunista.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, bahagi ng freedom of speech ang mga pahayag, sang-ayon o tutol man ito sa gobyerno.
Aniya, magkaiba rin ang political message kung gagamitin ito ng mga politiko sa sariling ambisyon.
Matatandaang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na bawal ang paglalagay ng pangalan, at logo ng mga politiko at organizer sa mga community pantry.
Facebook Comments