Nangako ang mga rice retailer sa mga pamilihan sa Metro Manila na simulan sa susunod na linggo ang pagbebenta ng abot kayang presyo ng regular at well-milled rice sa susunod na linggo.
Ang kasunduan ay nabuo ginanap na consultative meeting ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga market vendor.
Tinanong ng kalihim kung bakit walang epekto sa retail prices ng bigas ang naganap na bawas taripa sa bigas.
Ipinabatid naman ng mga rice importers at traders kay Undersecretary for Operations Roger Navarro na ibinaba nila sa P38 ang kada kilo ng panindang bigas
Nagsabi naman ang mga representatives ng rice retailers mula sa pangunahing palengke sa Maynila, Quezon City, Caloocan City, Pasig City, Las Piñas City, Taguig City at Pasay City na kanilang napagkasunduan na gawing P42 ang kada kilo ng well milled rice.
Sinabi ni Navarro na nakiusap ang DA sa mga nabanggit na tulungan ang pamahalaan upang magkaroon ng abot kayang bigas ang mga mahihirap sa bansa.