Wednesday, April 8, 2026

Mga miletanteng grupo, nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Kamara

Nagprotesta ang Grupong Kilusang Mayo Uno at iba pang militanteng grupo sa gate ng Kamara de Representante sa Batasang Pambansang, Quezon City ngayong araw, April 8.

Kasabay ito ng isinasagawang pagdinig ng Kamara sa Bayanihan 3 o ang panukalang batas na layong protektahan ang mga Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Mariing hinihingi ng mga militante ang malinaw na solusyon mula kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., para ibasura ang oil deregulation law at pag-aalis ng excise tax sa langis.

Ayon mga grupo, malayo ang bombahan sa Pilipinas pero ramdam na ramdam ng mga Pilipino ang epekto nito, hindi lang sa presyo ng langis kundi pati na sa iba pang bilihin.

Nabanggit rin ng mga grupo na ang P20 na bigas ay hindi naman anila sapat: pahirapan rin anila sa pagpila ng ilang oras para makabili sa mga Kadiwa Center.

Kasama sa naturang kilos-protesta ang bayan, unyon ng manggagawa, mga kabataan, at iba pang progresibong organisasyon.

Sa kabilang banda, hinimok ng mga grupo ang mga mangagawa na manawagan ng P1,200 na nationwide daily wage at pang matagalang solusyon sa mga suliranin ng bansa sa Mayo uno Labor Day.

Facebook Comments