Pasig City – Mas mabigat na kaso ang isasampa ng Pasig police sa mga militante at residente na nanakit sa mga awtoridad kasabay ng kanilang pagkilos sa East Bank Road Sta. Lucia Pasig City.
Kahapon pinagbabato ng bote at bato ang mga pulis ng kadamay at ilang mga residente.
Ayon kay SPO1 Emil Ledisla hindi physical injury kundi direct assault ang kasong isasampa nila sa piskalya mamaya.
Bukod pa dito pahaharapin din nila ang mga sangkot sa iligal assembly na nagpasimula ng kaguluhan.
Tinandaan ng mga pulis ang mga nanakit sa kanila at pilit hinuli habang nag liliparan ang mga bote at bato.
Sampu dito ay menor de edad at 29 ang nasa hustong gulang.
Ayon pa kay SPO1 Ledisla, dadalin nila sa piskalya mamaya ang mga nasa hustong gulang para sa inquest proceeding.
Posibleng matagalan pa sa kulungan ang mga sangkot dahil dipende pa sa piskalya kung gaano sila katagal ikukulong at kung magkano ang pyansa.
Lumabas na sa kasong direct assault pa lamang 12,000 pesos na ang piyansa sa nasabing kaso.
Samantala may sariling abogado naman ang mga nirereklamo at sa pagbisita sa presinto nangako ito ng tulong sa mga arestado matapos manakit ng pulis at bomber.