Mga militante, sasalubungin ng kilos protesta ang ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Marcos sa LNMB

Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sasalubungin din ito ng kaliwa’t kanang kilos protesta mula sa iba’t ibang Human Rights Group.

Sa katunayan, magkakaroon pa ng protest caravan ang grupong Campaign Against the Return of Marcoses to Malacañang (CARMMA) at Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) mula sa tapat ng National Housing Authority sa lungsod ng Quezon patungong Libingan ng mga Bayani sa Taguig.


Ayon kay Cristina Guevarra, media liaison ng nasabing grupo, mariin nilang tinututulan ang paglilibing sa dating diktador sa LNMB dahil hindi naman ito maituturing na isang bayani.

Pangalawa, nais nilang ipanawagan sa pamilya Marcos na ibalik na ang ninakaw nilang yaman sa kaban ng bayan.

At pangatlo, tinututulan din nila ang anumang plano ng Duterte administration na magkaroon ng compromise agreement sa mga Marcos.

Facebook Comments