Mga militante, sumugod sa Chinese Embassy sa Makati

83

Sumugod sa Chinese Embassy sa Gil Puyat Avenue, Makati City ang iba’t ibang militanteng grupo.

Sa kanilang kilos-protesta kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayon, kinondena ng mga militante ang anila’y patuloy na pambu-bully ng China sa Pilipinas.


Partikular ang pananatili ng presensya ng Tsina sa West Philippine Sea at iba pang mga teritoryo ng Pilipinas.

Isinigaw rin ng mga demonstrador na anila’y panahon na para lumayas ang China sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Magugunitang makailang beses nang naghain ng diplomatic protest ang Philippine Government laban sa patuloy na military activities ng China sa mga karagatang inaangkin ng Pilipinas.

Facebook Comments