Manila, Philippines – Nagkasakit ang mga militanteng grupo at mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos na magpupumilit ang mga militanteng grupo na makalapit sa US Embassy.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, mistulang tuta umano ang mga pulis dahil naging sunod-sunuran ang mga ito sa dikta ng Estados Unidos at pinipigilan silang makalapit sa US Embassy upang iparating ang kanilang mariing pagtutol sa pagbisita ni US President Donald Trump.
Paliwanag naman ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, hindi naman sila pinipigilan ihayag ang kanilang mga saloobin dahil katunayan umano nagbigay ang Manila government ng lugar para pagdaurasan ng mga militangteng grupo ng kanilang mga hinaing gaya sa Quiapo at Liwasang Bonifacio.
Nagkaroon ng baghayang nagkasakitan ng magkatulakan ang mga pulis at militanteng grupo sa kanto ng Mabini Street at UN Avenue ng magpupumilit ang mahigit 30 grupong bayan na makalapit sa US Embassy subalit agad silang hinarang ng mga tauhan ng Crowd Dispersal Unit ng MPD.
Giit ni Margarejo, pinapairal pa rin nila ang maximum tolerance kahit nagpupumilit ang mga militanteng buwagin ang kanilang hanay makapasok at makalapit lamang sa US Embassy pero hindi nila ito pinapayagan kayat nagkaroon ng konting komusyon at sakitan sa isa’t isa pero naging matiwasay naman lumisan ang mga militanteng grupo ng wala silang magawa na mabuwag ang hanay ng pulisya.