Mga militanteng grupo, dismayado sa desisyon ng Korte Suprema sa Anti-Terror Law

Dismayado ang mga militanteng grupo sa desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang Anti-Terror Law.

Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, nananatiling banta sa human rights ang mga “draconian” provisions ng Anti-Terrorism Act na pinepetisyon ng mga human rights groups, faith-based organizations, youth at student formations.

Sinabi ni Palabay na bagama’t nilinaw ng SC na ang aktibismo ay hindi terorismo, gayundin ang patungkol sa arbitrary powers ng Anti-Terrorism Council na mag-designate at mag-freeze ng assets ng mga indibidwal at organizations at mahabang panahon ng warrantless detention, pinanatili naman ng kataas-taasang hukuman ang ilang probisyon ng batas na posibleng maabuso.


Ayon pa sa grupo, ilang provisions ng batas ang manatiling malabo o overbroad.

Facebook Comments