Mga militanteng grupo, kinalampag ang isang warehouse sa Pasig City

Naging mapayapa ang isinagawang kilos protesta ng grupong Kilusang Mayo Uno at Kabataan Partylist ng humigit kumulang  40 na lumahok sa pagtipon-tipon ng grupong pinamununuan ni Lorendo Domingo, Forklift Operator kaninang pasado alas 3 ng madaling araw sa  Super 8 Ware house sa Axis Road Kalawaan Pasig City.

Ayon kay Domingo, ilan sa kanilang mga kahilingan ay ang ginagawang Illegal dismissal, Regularization, Irregular SSS Contribution at Irregular Salary Adjustment.

Paliwanag naman ni PSSg Pat Ilagan, naglagay ng mga tent at  barricade sa harapan ng naturang Warehouse kung naging mapayapa naman ang kanilang kilos protesta.


Iginiit naman ni Domingo na dapat maibalik sa trabaho ang natanggal nilang mga kasamahan na tinanggal ng walang ibinigay na due process ng Management.

Facebook Comments