Hindi pinaporma ng Manila Police District ang mahigit 50 katao na nag kilos protesta at nagtangkang makalapit sa embahada ng Estados Unidos.
Ang ginawang kilos protesta ay bunsod ng anibersaryo ngayong araw ng BUD Dajo Massacre, 113 taon na ang nakakalipas.
Ipinoprotesta ng mga militanteng grupo at mga Lumad ang ginawang pagbisita ni US Secretary of State, ruling ng korte suprema sa Martial Law at mga human rights abuses.
Hindi naman nag pumilit ang nasabing grupo na makalapit sa US Embassy subalit nag dulot parin ng pagsikip sa daloy ng mga sasakyan ang nasabing kilos protesta.
Facebook Comments