Manila, Philippines – Dalawang lugar sa Maynila ang pagdadausan ng kilos protesta ng mga manggagawa bukas kaugnay sa paggunita ng Labor Day.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog, ang ibang grupo ay sa Mendiola Peace Arch sa San Miguel, Manila magsasagawa ng kanilang programa habang ang iba naman ay sa Liwasang Bonifacio .
Bukod dito, sasabayan din ng iba pang labor groups sa ibang rehiyon sa bansa ang kilos protesta.
Kabilang sa mga lalawigan ang Cebu, Davao City, Baguio City, Bicol Region, Bacolod at maging sa Southern Tagalog Region.
Pangunahing issues na dadalhin ng mga manggagawa ay ang usapin sa wage increase, contractualization iba pang basic issues at ang hamon sa mga senatoriables.
May dala din silang effigy ni Pangulong Rodrigoduterte na susunugin sa tulay ng Mendiola.
Sa Metro Manila sisikapin ng KMU na makabuo ng 30,000 manggagawa na sasama sa protesta na asahan din ang pakikiisa ng iba pang labor groups.