Nagpalipas ng magdamag ang ilang militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio matapos magkilos-protesta sa tapat ng Commission on Elections (COMELEC) at magsagawa ng programa dito kahapon.
Matatandaan na nais ng mga nagkilos protesta na ipaliwanag ng COMELEC ang mga nangyaring aberya sa kasagsagan ng botohan.
Hangad lamang rin nila na magkaroon na ipakita ng COMELEC ang sinasabing transparency sa nangyaring halalan.
Nais rin malaman ng grupo kung bakit marami sa mga Pilipino ang hindi nakaboto dahil nawala ang kanilang pangalan sa listahan ng mga registered voters kahit pa aktibo silang bumoboto sa nakaliaps na halalan at hindi rin naman lumipat ng tirahan.
Ngayong alas-8:00 ng umaga ay magtitipon-tipon ang mga militanteng grupo para magkasa muli ng porgrama kung saan palno nila na mag-protesta hanggang bukas ng umaga.
Ilan sa mga nanatili dito sa Liwasang Bonifacio ay pawang mga miyembro ng grupong Kontra Daya, anakpawis, bayan southern tagalog, kilusang magbubukid ng Pilipinas, at iba pang grupo.