Humilata ang mga nagkilos-protesta sa tapat ng Commission on Human Rights (CHR) para ipakita ang pagkondena sa madugong operasyon ng mga pulis at militar sa umano’y mga aktibista sa calabarzon.
Ayon sa mga grupong Bayan, Defend Job Philippines at ilang grupo mula Southern Tagalog, sunod-sunod na ang mga pagpatay sa kanilang hanay dahil na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod pa rito, marami na rin anilang inaresto na aktibista na gawa-gawa lamang umano ang kaso at akusayon.
Umapela rin ang mga grupo na palayain na ang tinaguriang “Human Rights Seven”.
Ito ay ang mga militante na inaresto kasunod ng paggunita ng Human Rights Day.
Facebook Comments