Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang militanteng grupo ngayong hapon, sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila.
Kabilang sa mga grupong ito ang Kabataan Party-list, Bayan Muna, KMU, Gabriela, Anak Bayan, at Migrante.
Ito ay dahil didingging muli ng COMELEC ang cancellation case na inihain ng NTF-ELCAC laban sa Kabataan Party-list.
Ayon sa Kabataan Party-list, noong 2021 pa ito sinampa bilang pagtangka na harangin ang pagtakbo ng partido sa pamamagitan ng walang batayang pagparatang na sumusuporta raw sila armadong grupo.
Sa kabila nito, napatunayan aniya nitong halalan 2022 na hindi totoo ang alegasyon dahil nakakuha pa rin sila higit 500,000 votes sa mga Pilipino.
Dagdag pa ng grupo, desperado na ang NTF-ELCAC sa kumpas ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte na pagulungin ang pekeng kaso na ito para tanggalan ng boses ang kabataan sa Kongreso at ang balak na mamonopolisa muli ang kontrol sa kaban ng bayan sa paparating na budget deliberations.