Mga militanteng grupo, nagsagawa na kilos-protesta sa harap ng kampo ng AFP ngayong anibersaryo ng People Power Revolution

Nangalampag ang daan-daang mga raliyista sa tanggapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng anibersaryo ng People Power Revolution ngayong araw.

Bitbit ang kanilang mga placard at tarpaulin, nagsagawa sila ng kilos-protesta para ipanawagan na itigil na ang patuloy na panggigipit ng gobyerno.

Sigaw ng mga raliyista, sa ilalim ng Duterte administration, talamak ang red-tagging.


Kaya panawagan nila, ibasura ang Anti-Terror Law at itigil na ang mga patayan.

Ayon sa grupo, dapat na pangalagaan ang demokrasya para hindi na maulit ang diktadurya.

Mahigpit namang nagbantay ang mga pulis hawak ang mga yantok para mapanatili ang kaayusan habang nagrarally ang grupo ng mga raliyista.

Facebook Comments