Mga militanteng grupo, nagsasagawa na ng programa sa Padre Faura

Manila, Philippines – Matapos na mabigong makapasok sa harapan ng US Embassy at PICC minarapat nalamang ng mga militanteng grupo na magsagawa ng programa sa kanto ng Padre Faura Street at UN Avenue Ermita Manila.

Nagkaroon ng tensyon kanina kung saan umulan ng mga mineral water, nagkaroon bombahan ng tubig dahil pilit na makalapit ang mga militanteng grupo sa harapan ng US Embassy at PICC kung saan plano nila baybayin ang kababaan ng Taft pagkatapos ay kakanan sa Buendia deretso sa PICC pero nabigo ang mga militanteng grupo matapos harangin ng 3 6 by 6 truck ng PNP habang binobomba ng tubig ng bombero kanina pero sa ngayon ay bahagyang humupa ang tensyo.

Plano sana ng mga militanteng grupo na pinangunahan nina Bayan Sec. Gen Renato Reyes, dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Tedy Casiño, Rep. Carlos Zarate at iba pang mga lider na makalapit sa PICC at US Embassy pero sa Padre Faura pa lamang ay hinarang na sila ng mga pulis at nagkaroon ng Komusypn ng mahigit 20 minuto na bahagyang humupa rin matapos tumigil ang mga militanteng grupo na magpupumilita na gibain ang hanay ng Crowd Dispersal Unit ng MPD.


Facebook Comments