Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Bayan Secretary General Renato Reyes Jr. na tatangkain nilang makalapit sa US Embassy at PICC matapos na harangin kahapon ng mga pulis ang kanilang hanay sa kanto ng Padre Faura at Taft Avenue, Ermita, Manila.
Ayon kay Reyes, nais nilang iparating sa Duterte Administration na kinukundena nila ang agenda ni US President Donald Trump na giyera at economic liberalization gayundin ang pagiging sunud sunuran umano ni Duterte kay Trump sa lahat ng mga idinidikta ng Amerika sa Pilipinas.
Paliwanag ni Reyes, mahalaga umano si Trump kay Duterte lalo na noong ASEAN Gala dinner kung saan magkatabi pang nakaupo ang dalawa kahit hindi naman miyembro ng ASEAN ang Amerika kung saan patunay lamang umano ito na laging nangingibabaw ang Estados Unidos sa buong mundo.
Tinuligsa rin ng Bayan ang panunulsul ng US sa North Korea at nangangamba silang muling maibalik ang Base Militar sa bansa sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.