Mga militanteng grupo, tumalima sa pinag-kasunduan ng QCPD kaugnay sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang naging resulta ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging mapayapa sa kabuuang ng isinagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo kahapon.

Ayon kay Eleazar pinasalamatan nito si Bayan Secretary General Renato Reyes sa pagtalima nito sa kanilang napagkasunduan na huwag nang magpupumilit na lumapit pa sa harapan ng gate ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa panig naman ng mga militanteng grupo sinabi ni Reyes na wala silang reklamo o tutol sa mga ipinatutupad na mahigpit na seguridad ng QCPD sa kanilang hanay.


Ang kanilang hinaing lamang umano ay hindi natugunan sa SONA ng pangulo ang kanilang ipinaglalaban na itigil na ang pambobomba sa Marawi City, Peace Talks, Contractualization at iba pang mga isyu na malapit sa sikmura ng mga mahihirap na Filipino.

Facebook Comments