Mga militanteng kabataan, nag-rally harap ng Comelec

Kinalampag ang Comelec main office sa Intramuros, Maynila ng mga militanteng grupo para kundinahin ang anila’y dayaan sa nakalipas na halaan.

 

Kabilang sa mga lumahok sa rally ang grupong Youth Act Now Against Tyranny, kontra daya at bagong alyansang makabayan. Anila, dapat magpaliwanag ang Comelec sa nangyaring dayaan noong May 13 elections gayundin ang malawakang vote buying.

 

Nanawagan din ang grupo sa Comelec na desisyunan na sa lalong madaling panahon ang kontrobersyal na nominasyon ni dating National Youth Commission  Chairman Reynaldo Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth partylist.


Facebook Comments