Manila, Philippines – Tututulan ng Makabayan sa Kamara ang anumang plano ng pagpapalawig sa martial law.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang suhestyon na patagalin hanggang 2022 ang martial law ay pawang sariling opinyon lamang ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Giit ni Zarate, tulad ng pagharang nila sa naunang deklarasyon ng batas militar ay haharangin din nila sa Kamara ang anumang pagpapalawig sa panahon at sa sakop ng martial law.
Dagdag pa ng kongresista, hindi naman nakasalalay sa martial law ang kapayapaan sa buong Mindanao.
Dapat aniyang i-lift na ito sa halip na i-extend at tutukan ang mga tunay na problema ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at rebelyon na siyang ugat ng kaguluhan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558