Mga militanteng mambabatas, ikinatakot ang banta ng Pangulo na sunod na tatargetin ang NPA

Manila, Philippines – Nababahala si House Committee on Peace, Reconciliation and Unity Vice Chairman Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa banta ng Pangulong Duterte na sunod na tatargetin ang NPA pagkatapos ng martial law sa Marawi.

Giit ni Zarate, mas kailangan ngayon na ipagpatuloy ang peace negotiations sa kabila ng mga nangyayaring bakbakan sa pagitan ng NPA at government force.

Ang banta umano ng Pangulo na susunod na puntiryahin ang NPA ay magdudulot lamang ng mas malaking problema.


Hindi lamang ito mangangahulugan ng all-out war at patuloy na bakbakan kundi pagkasira ng buhay ng mga residente at ariarian.

Muling iginiit ng MAKABAYAN ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan.

Facebook Comments