Mga militanteng manggagawa nagtipun-tipon na para tumulak sa Mendiola bridge

Manila, Philippines – Hindi inaalintana ng mga militanteng grupo ang tindi ng sikat ng araw maipaabot lamang sa pamahalaan ang kanilang kahilingan na dagdag-sahod at wakasan na ang end of contract o ENDO.

Inakupa na ng mga iba’t-ibang militanteng grupo ang kahabaan ng España kung saan  nakisawsaw na rin ang iba’t-ibang grupo kabilang ang grupong Courage, LFS, Bayan, iba’t-ibang mga Partylist group upang hilingin sa Duterte administration na wakasan na ang ENDO at dagdagan ang kanilang mga sahod.

Lahat ng mga nagmamartsa ay tutungo sa tulay ng Mendiola upang doon ipagpatuloy ang kanilang mga programa at kakalampagin ang gobyerno hinggil sa mga ipinangako nito sa taong bayan na tutuldukan na ang ENDO.


Nagdulot ng pagkabagal ng daloy ng trapiko ang isinasagawang kilos protesta ng mga militanteng manggagawa upang kalampagin si Pangulong Duterte para tuparin ang kanyang mga pangako noong siya pa ay nangngampanya.

Facebook Comments