Mga minimum wage earners, makakabili na rin ng P20 bigas —DA

Makakabili na rin ng murang bigas na may halagang ₱20 kada kilo ang mga minimum wage earners sa bansa.

Ito ay makaraang magkasundo in principle ang Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na isama na ang mga minimum wage earners sa patuloy na pilot run ng ₱20 rice program.

Binisita mismo ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa tanggapan nito sa DA – Quezon City upang pasalamatan sa pag apruba sa request na maisama ang mga minimum wage earners na magbenepisyu sa subsidized rice program ng gobyerno.

Inaasahan din ng DA na ang mga eligible workers mula sa mga participating companies ay makapagsimula nang maka access sa ₱20 rice program sa Hunyo.

Sa pamamagitan ng programa, ang NFA ay pinapayagan na na makabili ng mas maraming bigas mula sa mga lokal na magsasaka.

Ang murang bigas ay una nang naibebenta lamang sa mga Kadiwa Stores para sa mga indigents , senior citizens, solo parents at Persons with Disability (PWDs).

Facebook Comments