Mga mining activities sa Mindanao, pinatitigil

Manila, Philippines – Pinahihinto ni Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun ang mga mining activities sa Mindanao bunsod na rin ng mga magkakasunod na lindol.

Iginiit ng kongresista na magpataw na kaagad ng suspensyon sa mga mining activities sa Mindanao upang maprotektahan ang buhay ng mining workers.

Hiniling din ni Fortun ang pagsasagawa ng mga otoridad ng inspeksyon sa mga mining sites upang matiyak ang kaligtasan ng mga minero dahil ang mga malalakas na pagyanig ng lupa ay nakakaapekto sa katatagan sa ilalim ng lupa at sa mga tunnels ng minahan.


Pinuna pa ng mambabatas na karamihan pa sa mga minero ay hindi regular employees at walang benepisyo sa kabila ng delikadong trabaho.

Nanawagan din si Fortun na agad na amyendahan ang National Building Code para tiyakin ang katatagan ng mga gusali sa lindol.

Pinatutukoy din nito agad sa mga otoridad ang mga lugar na nasa ilalim ng bagong tuklas na fault-line at ipagbawal na ang pagtatayo ng mga imprastraktura at kabahayan.

Facebook Comments