AGNO, PANGASINAN – Kanselado ngayong buwan ng Setyembre ang mga misang pambarangay sa bayan ng Agno.
Ito ay ayon sa inilabas na abiso ng St. Catherine of Alexandria Parish, parokya ng bayan via Facebook na may layuning matulungan ang bawat isa na maiwasan ang pagkalat ng virus.
Nasa post din nakasaad na para sa paglilibing ng mga yumao ay miyembro lamang ng pamilya ang makakapasok sa simbahan para sa misa.
Pansamantala rin munang sa pamamagitan ng Live Broadcast sa official FB account ng parokya ang pag-oorganisa ng mga misa.
Hiling naman ngayon ng simbahan na sama-sama ang lahat sa pagdarasal na matapos na ang pandemyang nararanasan.
Facebook Comments