Mga miyembro at pensyonado sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity dahil sa magnitude 7, maari ng mag-avail ng calamity assistance sa SSS

Makakakuha ang mga miyembro at mga pensyonado ng Social Security System ng calamity assistance.

Ito’y para sa mga lugar na tinukoy ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity matapos tamaan ng magnitude 7.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino, makatitiyak ang kanilang mga miyembro at pensioners na makakatanggap sila ng tulong pinansyal upang makatawid sa gitna ng kagipitan.


Kabilang sa iaalok sa Calamity Assistance Package ay ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) at ang three-month advance pension para sa mga pensioners.

Para sa karagdagang detalye kung paano mag-avail, bisitahin lang ang mga SSS’ social media pages sa pamamagitan ng uSSSap Tayo Portal at https://crms.sss.gov.ph, sa Facebook sa “Philippine Social Security System – SSS,” Instagram at YouTube sa “mysssph,” sa Twitter sa “PHLSSS,” o sa Viber Community sa “MYSSSPH Updates.”

Facebook Comments