Mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority hindi na i-extend sa pwesto pagkatapos ng taong 2025

Wala nang extension sa pwesto ang mga itinalagang bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority o BTA pagkatapos ng taong 2025.

Ito ay matapos na manumpa ang mga bagong miyembro ng BTA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong nakalipas na Biyernes.

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity – Bangsamoro Peace Process Secretary Carlito Galvez na mahigpit ang bilin ng pangulo sa mga bagong BTA members na mag-double time na para maipatupad pa ang mga nais ng pangulo para sa Mindanao.


Aniya napakaiksi lang daw ng tatlong taon kaya dapat mapabuti at magawa ang mga fundamental laws, legislation at mga codes katulad ng electoral code, revenue code, local government code at ang intellectual code.

Sinabi pa ni Galvez na inutusan na rin siya ng Pangulong Marcos Jr., na tulungan ang BTA sa mga dapat gawin.

Umaasa si Galvez na maipagpapatuloy ng bagong BTA members ang legislative agenda, tutulungan ang normalizations sa mga combatants at inaasahang mas bibilisan ang pagpapatupad ng mga guidance ng pangulo.

Mga highly professionals daw kasi ang mga miyembro ng BTA ngayon.

Matatandaang Feb 22, 2019 nang mabuo ang BTA, March 29, 2019 nang unang simulan ang inaugural session at natapos ng april 23, 2020.

Sila ay mayroong 75 mga miyembro.

Facebook Comments