Mga miyembro ng BIFF, maaari ring mag-apply ng amnestiya ayon sa National Amnesty Commission

Makakapag-apply ng amnestiya ang lahat ng miyembro ng makakaliwang grupo.

Ito ang inihayag ni Atty. Leah Tanodra-Armamento, Chairperson ng National Amnesty Commission (NAC) sa programang Bagong Pilipinas Ngayon.

Pero ayon sa opisyal, dadaan ang lahat ng aplikasyon sa masusing pag-aaral.


Nakasaad kasi sa mga inaprobahang proclamations ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang mga miyembro lamang ng MNLF, MILF at CPP-NPA ang maaring mag-apply ng amnestiya.

Hindi aniya kasama ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang breakaway group ng MILF dahil ikinokonsiderang terorista ang grupo.

Pero ayon kay Armamento, kung magsusumite ng aplikasyon ang mga miyembro ng BIFF tatangapin pa rin ito at pag-aaralang mabuti kung mabibigyan ng amnestiya depende sa offenses na nagawa.

Sinabi pa ni Armamento na nakapaloob sa proclamations ang sinumang miyembro ng makakaliwang grupo na nakapag commit nang mabibigat na krimen ay otomatikony hindi mabibigyan ng amnestiya.

Facebook Comments