Manila, Philippines – Nangangamba ang mga miyembro ngCommission on Appointments o CA para sa kanilang kaligtasan sakaling hindi nilakumpirmahin ang appointment nina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo atAgrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Ito ang inihayag ni Sen. Panfilo Lacson na isa ringmiyembro ng makapangyarihang CA.
Si Mariano, ay dating leader ng mga magsasaka habang siTaguiwalo, naman ay kilalang political activist at dati rin ng professor ngUniversity of the Philippines.
Ang pagkuha ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Mariano at Taguiwalobilang miyembro ng kanyang gabinete ay bahagi ng pagsisikap na makabuo ngkasunduang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New People’sArmy o CPP – NPA.
Ayon kay Lacson, may mga CA members ang natatakot nalikidahin sila ng NPA pagumuwi sila sa kani kanilang mga lalawigan kapag hindsila bomoto pabor sa kumpirmasyon ng nasabing mga cabinet members.
Ito rin ayon kay Lacson ang isa sa pangunahing dahilankaya binago ang rules ng CA at ginawang closed door o sektreto ang botohantaliwas sa dating gawi na ito ay bukas sa publiko.
Mga miyembro ng CA, nangangamba sa kanilang kaligtasan kapag hindi lumusot ang mga opsiyal ng gabinete na kapanalig din ng NPA
Facebook Comments